yes. two days free...
ang sarap ng feeling ng exempted sa finals. dalawang araw akong walang pasok (at dalawang araw ng baon ko ang natipid). yes! grabe ang kaba ko kahapon sa history.. nung binigay yung result ng last exam, sabit ako. buti na lang nung in-average ko, lampas pa ng konti sa binigay na exemption grade. pero syempre, di pa rin ako nakasisigurado nun. nag-drawing si sir ong ng smiley face na may letter "F" sa ilalim. kung ang booklet daw ay mayroong ganoon sa likod, isa ka sa magigiting na magfi-finals. at kung wala, ang swerte mo. dali-dali kong tinignan at... wala! yahoooooo! nag-double check ako at nung siguradong siguradong wala tlga.. super saya kooooo! lusot na Ako! takot na takot tlga ako sa test dahil toxic magbigay si sir ong. oo na, charismatic sha at mejo crush ko, pero iba tlga kpg ngbbgay na sha ng test. lahat ng sinasabi nya, nandun sa test, kawawa ka na lang kung di ka masipag mag-notes at magbasa.. or umattend ng klase nya. huhuhu. at oo, sa geology ay exempted ako ulit. grabe, ang baba ng mga grades ko. huhuhu. pero pangako, patataasin ko pa un. naga-adjust pa ako. mas magsisipag ako sa second sem. eh walangya, kapag di ako nagsipag, babagsak tlga ako. mas marami ang terms na dapat imemorize. helloooo??? zoology un! magdi-dissect na kami ng mga pusa at iba pang kahayupan. mas detalyado na ang pag-aaralan namin. sheettttt... bakit ba ang hirap ng buhay college. impyerno na nga ang skul na pinanggalingan ko noong highschool, pakiramdam ko, mas lumapit pa ako sa pits of hell. kumbaga, pababa ako ng pababa. hay. at least airconditioned ang classrooms ko, di feel ang apoy. i think i just have to learn how to make the most out of my college life without spending too much time on dallying. i need to find my heaven in this hell. i must make the best out of it. kelngan ko mag-forensic scientist! must.. go.. to... california to study! hhmm... i dont care much about my love life now kasi i realized na hindi pa ako nakakapag-adjust sa stress, tapos dadagdagan ko pa? heller.. tsaka na un. sa ngyon, im turning down guys. mejo hobby ko na nga. hehe joke. at eto pa ang malupit sa makukulit na lalaki: sa chat at text lang nanliligaw, partida, di ko pa nakikita at galing sila sa kung saan mang lupalop ng mundo. tanginish ha. hindi ho ako ganun. mas gusto ko pa rin ung kilala ko at pinagkakatiwalaan... at palagi kong nakikita. un bang may foundation na kayong dalawa. ewan. mas maganda pra sakin ung nadedevelop ako. para mas malakas ang tama.. mas malakas ang high! hehehehe.. as of now, umiikot ang mundo ko sa school-bahay sa makati-festival-bahay sa munti. malapit na ang sembreak ilang araw na lang!!! mga one month din halos ang bakasyon.. tpos two days doon ung enrolment. tpos second sem na. ergh.... x_X di ko muna iisipin un haha. makakapg-festival na akoooooooooooo! sayang lang wala akong masyadong naipon para sa mga gala ko ngayong sembreak. hehehe. :P dpt di pla ako msydong gumastos para marami pa rin pera sa second sem. pataasan ko kaya baon ko??? wahehe. ewan. bahala na. bsta masaya ako ngyon. may pahinga akoooo. pagdasal nyo pla na ma-exempt ako sa biology finals ko. amfness. im gonna die kng mgtatake ako nun................ waaaaahhh.. cge cge. hehe. it feels good na makapag-update ulit. :P
blueberry had a little lamb last 10/05/2005 01:46:00 PM