<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/11663545?origin\x3dhttp://iluvblueberrycheesecake.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

one year!

nakita ko 'yung tag ni ralph.. at naalala ko na oo nga, mag-iisang taon na rin pala 'tong blog ko. isang taon na rin akong nagke-kwento, nagda-drama, ngpo-post ng kung anu-ano.. may part na rin ng sarili ko na mas nakilala ko dahil sa pgb-blog. may mga bagay kasi na pumapasok sa isip ko na hindi ko aakalain na pwede kong maisip. haha. ang panget ng pgkkgwa ng sentence pero yun na yun! minsan nakakatamad mag-type ng bagong adventures.. wala lang. ganun talaga ako. inconsistent. pero minsan lang yun. kadalasan naman sobrang pagod na rin kaya hindi ako nakakapag-post, 'yung tipong ayaw na gumana ng utak ko. kulang na rin sa oras. pakiramdam ko nga kulang pa 'yung dalawampu't apat na oras (waahh parang tongue twister to ah.. hirap kasi ako sa sunud sunod na syllables) sa pag-aaral, lalo na sa UP.
nababaliw na nga ako sa kurso ko. masyadong toxic ang biology. iniisip ko rin "bakit ba nasa biology ako?" pakiramdam ko pa, mali ata ang napasukan kong kurso. gusto ko na rin mag-shift sa behsci pero baka hindi ako payagan. mas naging interisado na nga ako sa psychology dahil inuurirat nito ang isip ng tao.. at malaki rin ang kagustuhan kong mas makilala ang tao at alamin kung pano tumatakbo ang isip niya. ewan ko. umaasa na silang magme-med ako. mahirap na. hay.. lahat ng paghihirap sa bio, pilit kong pinagdadaanan, pilit kong tinatapos, pilit kong tinitiis... dahil sa hangad kong maging isang forensic scientist. ewan, parang katangahan na rin. hindi na ako masaya sa ginagawa ko. habang tumatagal, lumalayo pa ng lumalayo yung pangarap kong yon. sana lang, magkaroon ako ng opportunity na makapag-aral sa US. sana lang talaga...
kung ginusto ko naman, sa UST sana ako nag-aral ng microbiology. mas maganda pa nga ang kurso ko doon, mas maganda rin ang facilities.. ang mga tao (maraming gwapo eh..).. pati na rin 'yung buong unibersidad. pero bakit nasa UP ako? naisip ko kasi na mabigat sa bulsa ang 30k+ per sem. hindi pa kasama ang libro, miscellaneous fees at uniporme. naisip ko rin na baka mahirapan akong makibagay sa mga tao doon, karamihan sa kanila, mayayaman.. ayoko namang makipagsabayan sa kanila, nakakailang simple lang naman ako. tsaka, kaya nga ako pumasok sa public science highschool nung highschool eh.. yung quality naman ng education 'yung habol ko (namin.. ng parents ko), libre pa! (go munsci!) kilala ang UP sa pagpo-produce ng mga estudyanteng matalino, parang science highschools, mas mababa pa ang tuition na babayaran kada sem (ayos lang din na pumasok sa eskwelahan na panget ang suot, pero hindi ko gngwa un noh). aba, hindi lang puro gastos ang alam ko ha! gusto ko rin makatulong sa mga magulang ko. ayoko ng iniintindi pa nila yung pambayad sa pag-aaral ko (dhl gusto ko baon ko na lang at pangshopping ang intindihin nila. hahaha) at gusto ko rin maging proud sila sa'kin dahil nakapasa ako sa UP at dun pa sa campus na may pinakamataas na cut-off. tama na, lumalakas na ata ang hangin.
so far, medyo humuhupa na rin ang pagiging discontented ko sa buhay. uhm... basta. ayokong ilagay dito ang dahilan.. eto na lang. masyado kong namimiss ang bestfriends at highschool life ko. medyo suicidal na nga ang pag-iisip ko nung mga nakaraang linggo dahil sa discontentment, dagdag pa ang pressure sa eskwelahan. gustung-gusto ko na mamatay. napapagod na ako. pero plgi ko rin naiisip na, sayang naman kung ngayon pa ako bibigay. kapag malampasan ko lahat 'to, malaking dahilan yun para maging proud. naging matibay na ako kahit papano. atsaka, ang dami kong maiiwan sa mundo... nakakalungkot yun! baka lalo lang akong ma-depress sa langit/impyerno dahil hindi ko na sila makakasama.
teka, dapat pala nag-aaral na ako. exam ko kasi sa taxonomy lab sa monday, taxonomy lecture sa tuesday, math17 sa thursday. kaya nga hindi ako nakauwi ngayong weekend. matatapos na rin pala ang 2nd sem. ang galing, nakatagal ako ng isang taon sa college. nag-a-adjust pa rin ako sa totoo lang. kailangan ko pa ng matinding motivation para mag-aral ng todo at para na rin hindi maging late sa klase araw araw. palakihan ko kaya ang baon ko? nacompute ko kasi na halos 2k ang nagagastos ko sa bawat linggo. malaki ba? hindi naman ako nagdo-dorm. tanghalian at pamasahe (28 pesos) ang ang ginagastos ko.. pati na rin pala yung mga pang-photocopy at projects na hindi lalampas ng one hundred. siguro dapat lang akong magtipid. new year's resolution ko un. ang hirap tuparin! hahaha.. may summer classes pa pala ako. sayang ang summer na sana'y pambawi ng tulog. pero ayos na rin yun. at least hindi tumama sa kaarawan ko yung klase. gusto ko rin mag-aral ng swimming kasi hindi pa ako ganun kagaling para mag-advance swimming next year. ibig sabihin nun, mahihirapan na akong bawiin ang kulay ko. sheeettt....
sabihin ko kaya na sa hongkong disneyland at singapore ako pumunta para sa 18th birthday ko? hhm.. okei lang cguro un. sana pumayag si dad at mommy. hahaha..
ang haba na pala ng post ko na to. isang linggo kasi akong hindi nakapag-post eh. marami ring kabaliwan ang nangyari sakin. marami na rin akong nalaman.. tulad ng kwento ni lea sa lovelife. marami ring kaming pagkakahawig sa aspetong yun. naiintindihan ko siya. there's no reason to condemn her feelings.. ganun eh. pero ayoko ng ikwento pa dito ung iba. sakin na lang yun. or kung gusto nyo malaman, hala, cge, itanong nyo sa akin. kung close ba naman tayo, bkt ko itatago sayo?
waaahhh... cge. mag-tag kayo sa march 24. anniversary yun ng blog ko. malapit na. may libre nga pala ung mga magta-tag. wahaha. bahala na. salamat sa mga nagbabasa ng blog ko.. ciao!

blueberry had a little lamb last 3/18/2006 04:31:00 PM

i.
+vika
+5/31/88
+SMS,MSHS,UPM
+self-confessed nerd
+senti-mental
+fan-girl
+brat
i love.
+Gotham.
+GoT. TWD.
+purple.
+books.arts.
+coffee.mangoes.
+blueberry cheesecake.
tag it!


buddies
Jodi Janis
Ralph Kashi Markie
Madz
PostSecret Cofibean Bryanboy
accounts
Facebook
Twitter
Tumblr
Formspring
the past
March 2005
April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
November 2007
December 2007
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008
May 2008
June 2008
July 2008
August 2008
September 2008
October 2008
November 2008
December 2008
February 2009
March 2009
April 2009
July 2009
August 2009
September 2009
November 2009
February 2010
June 2010
November 2010
August 2011
October 2011
October 2012
May 2015
credits
|slayerette|
|adobe photoshop|
|nocturnal-devil|
|imageshack|
|blogger|

best viewed in firefox. =P