dead.
Date: June 26, 2006
ngayon ko lang napagtanto na ang gulo pala nung last two entries ko. pasensya naman, nagmamadali kasi ako nun, 2am na nung gnwa ko un eh. hayaan n'yo, sa susunod, aayusin ko na ang pagta-type ng aking thoughts. gagawin ko nang mas organized para naman maintindihan ninyo ang mga nangyari sa aking adventures.
uhmm...
basta ang alam ko lang ngayon, na-late ako at hindi nakapasok sa first class sapagkat 6:30 na ako nakabangon. syet man. mahirap nga raw yung quiz ni mam eh. well, nakalusot ako sa frustration. naging maganda naman ang araw ko, yun ngalang may kulang. hindi pa nagtetext!wahuhuhuhuhuhuhu... how sad naman for me. buti pa si t.l., nagawa akong itext.. kamustahin kung buhay pa ako. wahuhuhuhuhuhu... bakit kaya?! ang alam ko, kaka-unli lang nun kagabi. naman tsongparedude. teka, stop. kelangan kong mag-focus. actually gumagawa ako ng assignment sa zoo lab. quiz nga namin bukas eh. hindi ko patapos i-drawing yung mga dapat i-drawing. papasok nga ako ng maaga bukas para naman magkaron ng sagot ang manual ko. ay shux, yung sa akin nga pala ang ipapasa. goodluck nga talagasa akin. uuwi nga pala ako bukas! maghahanap kasi ako ng libro ni viktor frankl..
*kuha sa celfone*
*pindot*
*pindot*
ay nagtext si t.l.!
hehe. commercial. anyway.. aun nga, ang title ng libro ay "man's search for meaning" para iyan sa hum2 namin. baka nga raw may quiz. pano naman kaya un, noh, eh wala pa akong libro! syeeettttt! ngayon lang nangyari sa akin ito! usually kasi, isa ako sa mga unang nagkakaroon ng libro.. hindi ako nahuhuli sa pagbabasa, lalo na sa mga ganyan. naman tsongpare dude! rush kong babasahin sa loob ng dalawang araw. hahanap nga ako sa atc at festival eh. ipagdasal nyo naman na makabili na ako bukas ng libro. huhuhu..o sige na. kukumpletuhin ko pa pala ang manual ko .magbabasa pa ako. ang sipag, noh?! hehe. tsaka pagninilay-nilayan ko pa kung bakit hindi nagtetext yung panget. sabi nila, kelangan ng space at konting time off para mamiss ang isa't isa...
damn pare. namimiss ko na siya ng sobra.
namimiss nya rin kaya ako? pano ba yan, hindi naman kami, ni hindi ko nga alam kung totoo yung mga sinasabi nya sa phone (na importante ako sa kanya, etc. pero gusto kong maniwala!) bkt nagkakaganito ako?? help!!! para makalimutan ko na namimiss ko siya, manlalalaki muna ako! mwahahahahahahahaha! ay, joke lang. tetext ko muna si t.l. hehe. friend lang talaga turing ko dun. pero ang cute nya talaga, lalo na kapag naka-smile. wehehe.
p.s. sumabay nga pala kami ni shobe sa van ni sioti kanina, hanggang rob nga lang.. in fairness, medyo close na nga kami ngayon, nagle-lean na nga siya sa akin at hawak nya ang bag ko kanina. oh di ba. grabe, ang bilis mapamahal sakin ni sioti.=)
--------- ayaw umayos nung date sa pc. Huhuhu…
so un ang enty ko kagabi. andito ako sa muntinlupa ngayon.. wala akong nahanap na libro sa sm manila at glorietta. nalibot ko na ang lahat ng bookstore, syet pare, wala tlga! walanghiyang libro yan. saang lupalop ba ng pilipinas makakabili nun ha?! kung meron kayo, pahiram naman! wahuhuhu.. sooooobrang pagod na akooooooooooo! sakit sakit ng binti ko. dinner lang ang matinong kain ko ngyon. hay. inuwian ko na nga lng ng donuts yung mga brothers ko para magkabarya ako. katext ko pala si t.l. meron atang gnun book yung ibang blockmates nya! huhuhu. sana naman maihiram nya akoooooo...
pagod n tlga ako. kasabay ko pang lobat yung celfone ko. oras na upang ako'y humimlay.. para ngang ayoko ng magising.................................................
blueberry had a little lamb last 6/27/2006 09:45:00 PM