suspended!yehey!
ito na yata 'yung pinakamagandang balita na natanggap ko ngayong araw na ito. biruin n'yo, pinagdasal ko pa kanina na sana mawalan ng pasok dahil may quizzes bukas. maya-maya, sinabi na ng kapatid ko na ayon sa isang article sa inq7.net, suspended daw classes bukas. syempre, baka scam lang yan at ginu-goodtime lang kami nung nagtext kaya nag-internet ako kagad... yun nga lang, trenta minutos ata akong refresh ng refresh dahil ayaw mag-load ng page. dial-up talaga oh. no choice rin dahil ayaw rin ni mommy na ipa-dsl yung pc dito. kuripot tlga. hehe joke! generous na nga ngayon si mommy (uiii....biglang bawi! kapag kaya nabasa n'ya to, sakalin niya ako at tuluyang iparamdam ang pagiging kuripot sa pamamagitan ng pagbawi sa baon ko? hehehe..) nagdatingan na rin yung mga text na nagsasabing wala ngang pasok bukas. galing talaga!^_^
hhmmm. binasa-basa ko yung entries ko kanina at naisip ko na napaka-cheesy pala ng laman ng blog ko! haha! sorry naman. ito kasi yung isa sa outlets ng ka-cheesy-han-islash-ka-mushy-han ko. pagbigyan na. tsaka akin naman 'tong blog, wala kayong say. hehe! sana lang talaga masipag mag-tag yung mga nagbabasa nito. uhm.. . naalala ko tuloy 'yung sinabi ni ivan sa akin nung isang araw. nakuuuuuu... napag-uusapan din pala ako ng mga half-blockmates ko (a.k.a. the s.p. people) at updated sila sa buhay ko huh! kumusta naman 'yon? na-conscious tuloy ako. hindi ko rin naman maiwasan na maglagay ng tungkol sa buhay-pag-ibig dahil 'yun yung latest na nangyayari sa akin.
...ayan natapos na yung download sa ym. update na naman. yahoo! teka, restart muna.^_^
blueberry had a little lamb last 7/12/2006 02:58:00 PM