<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/11663545?origin\x3dhttp://iluvblueberrycheesecake.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

skul at frogs

naisip ko kanina habang kumakain, "wow, friday na kagad. ang bilis naman hindi ko namalayan!" parang kakatapos lang kasi nung sunday at super wini-wish ko na sana biyernes na para makapagpahinga ulit. uh, actually, looking forward akong umuwi sa 2D. xempre, family time naman, miss ko na ang family ko.. tsaka yung dsl. tsaka oo na, may agenda pa ako. at secret ko na yun. ay ewan, kung nabasa niyo yung mga huli kong posts, obvious naman siguro kung ano yung hidden agenda ko. hehe.
bukas pala pupunta kami sa divisoria para bumili ng materials na gagamitin sa Bioyugyugan props. head kasi ako ng props, together with huckie. marami nagtatanong kung sasayaw raw ba ako. tsk tsk, i really look like as if i was born to perform on stage. ay, yuck ang kapal! hehe. seriously, ayokong nagpe-perform. wala naman akong stage fright, uncomfortable lang talaga ako kapag pinanonood ng maraming tao. kahit sabi ng iba na epektib ang byuti ko sa drama at i-try ko raw na mag-take ng lessons, eh wala naman akong time para dun. acads, acads, acads. kahit summer, acads pa rin. wooh. pag lang talaga nagkaroon ako ng time at chance, magta-take ako ng acting churvaness tsaka sa drawing na rin (magyayabang lang muna ako: humanga yung mga kaklase ko sa zoo lab sa drawings ko sa manual. ang galing ko raw. hihihi. nakakataba ng puso). encouraged din ako ni tita fern. actually, matagal ko na rin gustong mag-take ng art lessons ulit, kaso yun na nga, walang time at chance. hay.. ang hirap talaga kapag hectic ang sked.
balik sa Bioyugyugan thing...
so ayun, bukas pa pala makakakuha ng money. sana lang talaga, maaga kaming matapos sa divisoria dahil may appointment pa ako sa dentist ng 1:30. pina-move ko na nga iyon para ma-accomodate ang pagbili namin ng materials. uh, medyo mahirap mag-juggle ng meetings at klase. kanina nga, super rush ako sa old neda dahil may pinag-usapan pa kami ni huckie tungkol sa props and everything (ang aga ko rin pala sa school, 7:45 andun na ako, nag-meet pa kami ng mga taga-speech choir at dance.9 PE ko). 11 un tapos 11:30 may klase ako so takbo naman ako ng RH. nagmistulang 2nd part ng PE yung walkathon ko. habang nasa klase naman, dinapuan ako ng antok. nakakahapo kasi yung mga nilaro namin, pero masaya naman.
sa zoo lab naman, nakakaawa pala yung mga palaka dahil tortured na tortured sila. una, na-pith yung isa, sinira yung spinal cord tas yung isa naman, yung sa brain lang. pagkatali sa kanila sa iron stand, dun na nagsimula lahat. ngayon ko lang nalaman na malakas ang kiliti ng mga palaka! anlakas kasi ng response nung frog B eh. anlandeh.. hihihi. okei na sana yung flow, ang pinaka-ayokong part lang dun ay yung application of heat through the soldering iron. syempre, si dan ang gumawa nun dahil siya and only guy at siya ang nakaaalam kung pano gumagana yung electrical something. hindi kagandahan yung nalanghap namin nung dinikit na yung iron. huhuhu. nakakaawa talaga! may picture pala ako nung naka-dangle pa yung frog B... tiyak na maaawa rin kayo kapag pinost ko na dito. pagka-cut namin nung tali, biglang nag-convulse yung frog, nanginig-nginig at nangisay-ngisay hanggang sa lumawit na ang dila nito't tumirik ang mga mata. RIP. hay.. nakapagpahirap kami ng palaka, all in the name of science. ang compassionate ba ng labas ko? hehe. sabi nga ni marius, bakit daw ito yung kinuha kong course. malay ko bang kakailanganin naming mang-torture ng frogs?^_^
o sya cge, maaga pa ako bukas. wiii... babay!
p.s. nag-usap na ulit kami kanina. yehey! grounded pala siya, bawal sa phone. huhu. dapat pala walang "yehey." erase erase. T_T badtrip pala siya sa buhay niya ngayon. haayyy.. ayan kasi.... sana bumuti na ang kalagayan niya.. hay namimiss ko na siya...

blueberry had a little lamb last 8/12/2006 12:01:00 AM

i.
+vika
+5/31/88
+SMS,MSHS,UPM
+self-confessed nerd
+senti-mental
+fan-girl
+brat
i love.
+Gotham.
+GoT. TWD.
+purple.
+books.arts.
+coffee.mangoes.
+blueberry cheesecake.
tag it!


buddies
Jodi Janis
Ralph Kashi Markie
Madz
PostSecret Cofibean Bryanboy
accounts
Facebook
Twitter
Tumblr
Formspring
the past
March 2005
April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
December 2005
January 2006
February 2006
March 2006
April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
April 2007
May 2007
June 2007
July 2007
August 2007
September 2007
October 2007
November 2007
December 2007
January 2008
February 2008
March 2008
April 2008
May 2008
June 2008
July 2008
August 2008
September 2008
October 2008
November 2008
December 2008
February 2009
March 2009
April 2009
July 2009
August 2009
September 2009
November 2009
February 2010
June 2010
November 2010
August 2011
October 2011
October 2012
May 2015
credits
|slayerette|
|adobe photoshop|
|nocturnal-devil|
|imageshack|
|blogger|

best viewed in firefox. =P