buy my painting!
sumasakit na ulo ko dahil 6 hours na ata akong nakaharap sa p.c. naghahanap kasi ako ng para sa report namin sa hum2 (na buti na lang na-move) sa thursday. feeling ko mabubulag na ko.. huhu. tapos gagawan ko pa to ng powerpoint presentation..at pa-practice-in ko pa yung mga sasabihin ko. grabe, nakakakaba dahil intarmed, ang mga taong biniyayaan ng superhuman intelligence, ang kaklase namin! so kumusta naman yun di ba.. kaya ayoko ng reports, naco-conscious kasi ako.. tsaka, i've never liked speaking in front of many people (many na para sakin ung 30+ eh). crush ko nga lang hndi ko pa makausap ng matino, mag-report pa kaya.
may art exhibit nga rin pala kami for that subject. oh di ba, biruin mong g.e. lang pero napakatrabaho nya. nae-enjoy ko naman yung subject, yun nga lang, andaming pinagagawa. huhu. magpa-paint na nga lang ako eh. buti na lang at mejo binigyan ako ng art skills. ngayon pa lang, nangongontrata na ko ng mga tao para bilhin yung painting ko, para masabing may naka-appreciate. wahehe. advantage rin talaga na may tito ka na isang pintor. abstract nga lang ung gnagawa nya (tipong bali-baligtarin mo na, di mo tlga ma-gets unless may super duper lalim na pag-iisip ka) pero napakahusay pa rin! tuturuan nya raw ako ng oil painting techniques, na sana ay madali kong mapi-pick-up. naiuwi ko nga rin pala yung hanky ni mae ng wala sa oras. ayoko na kasi yung sketch ko na may angel dahil mahirap tsaka parang ang lame.. kaya na-inspire ako sa panyo na maraming roses! mas madali kasi tsaka i like roses! baka lagyan ko rin ng butterflies sapagkat bigla na lang na-develop sakin ang pagkahilig dun. suggestion ng isa ko pang uncle, why not ibahin yung color ng roses.. say, gawing purple?! sabi nya, dpt naghahanap ang isang artist ng way na mag-stand out ung work nya and at the same time, nag-e-express ng feelings. bah, akalain mong naisip nya un. pwede rin un ha, tutal favorite color ko naman ang purple (ay grabe, hindi halata, kulay na kulay palang ng blog).
usapang celfone naman. tinatamad na ko magtext. cguro dahil uber busy ko rin kaya kht mag-send ng quote, di ko magawa. or baka nagsasawa na rin ako. akalain mong ang isang adik na tulad ko, nauumay rin pala sa text. unless na lang pala kung type ko yung nagtext (bahala ka na mag-interpret nyan), importante ung message, or kung may kailangan lang ako.hay..wala. napapagod na lang siguro akong mabuhay..
sana pala, maging okei ang kalabasan ng sem na to. mejo haywired pa rin ang isip ko eh. lecheng ano yan oh. istorbo tlga sa acads. kaya di ko rin ma-gets kung bakit yung iba, parang sobrang excted dun. hmpf, pano, wala kasing ginagawa. or baka desperado lang din. basta. hmpffffff.... ang bitter, walah. pero may karapatan naman ako mag-bitter dahil 2 consecutive times akong muntik ma-chorva. just proves na lapitin ako ng bad boys (and i'm equally attracted.grrr). buti na lang hindi na ko tulad ng dati na sige lang. i'm smarter and stronger now. it pays na masaktan ka ngyon dahil may mga nalaman kang hndi maganda kesa masaktan ka kng kelang sobrang inlove ka na. nsasaktan pa rin ako pero sobrang wala lang compared sa mga naranasan ko dati. tsaka, mas malakas na rin instincts ko ngayon. know what, women have strong instincts di ba,why not use it together with their heads para hindi masaktan ng paulit-ulit? females should show that they learn from past experiences at hindi lang sila basta basta. dpt hndi lang puro puso dhl napakdaling plambutin nyan.
haha..ano ba naman yang nasabi ko. sa ngyon, magpapakalunod n lng muna ako sa acads. wahoo..
teka, nahila n ko ng friendster. hehe.. ciao!
p.s. hip hop pala ang gustong genre ni papa, aside from his oldies, jazz, senti, etc music. wala lng, bumili kasi siya ng dlwang special edition album ng black eyed peas plus hip hop collection cd. twwaaannggg... bakit kaya hindi na lang rock. wahehe.. cool noh, kaya labs n labs ko yan si papa..^^
p.s.2. drawing ko for niko, my siaoti.=)
"kotori"
g-tec on 1/4 pad paper. haha..
blueberry had a little lamb last 9/23/2006 09:24:00 PM