>=P
wheeewwww.. naka-survive kami nung bumagyo! sobrang lakas nung hangin at ulan, umaga pa lang ng thursday. on and off nga ung fan kaya nung magising ako, wala ng kuryente. ayun, the whole black out day, nsa bahay lang kami, doing nothing. text text text, kwento kwento kwento, basa ng ganito ganyan. borrring. pero kindda worried at excited dahil super lakas ng hangin, feeling ko nga pati yung pintuan bibigay. kinagabihan, nakatitig na lang kami sa buildings ng ayala dahil restored na ang kuryente nila! naisip ko na ang unfair because the high end part of makati city got their power restored first. sabi nga nila tita fern, "baby, syempre uunahin nila yung mayayaman so we, the lower class, have to wait. hopefully mas mauuna tayo kesa sa ibang barangay na lower lower.. tsaka, the powerlines of the business district are underground so di sila masyadong naapektuhan.." something like that. hhm... mag-drama raw ba habang bumabagyo. friday morning, check in sila auntie olive sa 1632 hotel ata un in adriatico, cla tita fern naman, naghanap ng friends na naka-check in. wala kasing tubig at kuryente at lobat na rin kami pare-pareho. andddd... nung araw na rin yun ang first time ko sa mahiwagang mall of asia! buti pa yung bro ko, nakapunta na dun nung fieldtrip nila. ala lng. ang laki tapos sinubukan namin na ikutin yung buong mall. pero syempre, kumain muna kami sa wendy's. sarrrrap! impression ko lang sa moa, parang greenbelt 3 pero the diff lang ay yung people na pumupunta. xempre sa gb3, mga susyal, etc. sa moa, halo2. ikot ikot, feeling ko nga mawawala kami. tpos namili kami sa bench.. hihi. ala lang, sobrang favorite ko yung store na yun. around 7, we left my 4 bros, ay, 3 bros plus vanessa pala, sa timezone. hay nako, napakahilig nila sa arcades talaga. ako rin kaso mas gusto kong panoorin yung fireworks display! grrrrabeeee ang ganda! ang galing! amazing! spectacular! the best fireworks display i've seen! matagal-tagal din un, mga 10 minutes ata or more. and yung finale nila, woowww.. sayang tlga hndi ko na-video. nasa cafe breton kami nung nanood, ang ganda nga ng view kasi sentrong sentro. after the display, i excitedly ate the banana split i ordered. sarap! hehe.. di ata naniwala si papa na kaya kong ubusin yun.pero infairness, mas malaki yung banana split na na-order ko dati sa yum yum tree (somewhere in manila ata). sinundo ko rin ung mga kptid ko,,tpos un, kain kain kami..nakakita pa ko ng cutie. hehe! sabi ko, "check in tayo sa hotel!" aun, nag-adventure pa tuloy kami sa pasay and manila, hanap hanap, inquire inquire pero fully booked lahat! muntikan pa kami maubusan ng gas at nagkakaubusan din ng diesel! mga tatlo or apat na gas station kami bago nakapagpa-refill! we ended up sa bahay, muntinlupa. pati nga bellevue and vivere, walang rooms. so nung saturday morning na kami nakapag-check in sa bayview park hotel. okei na sana, ang kaso lang eh disable yung outlets nila sa suite and walang ilaw yung mga kwarto, dining area, and sala. at least may aircon and water. mga 4pm, ngpunta kami ng rob ng sis ko tapos naghanap ng earrings. hassle nga kasi ang tagaaaalll naming naghanap plus ang tagaaaaaalllllll lalo nung parlor, eh nagpa-manicure and pedicure lang naman ako. 7:30 na kami nakabalik ng hotel. badtrip pa kasi nalobat sister ko so hindi kami ma-contact. napagalitan tuloy kami. hehe. kala ko nga hindi na ako papupuntahin. mga 9pm, papunta na ko sa party. hehe.. 6pm ung start pero late na raw nagsimula. kainan na nga nung pagdating ko, nakakahiya dahil everyone was looking at me ata! waahhh.. naagawan ko pa tuloy si brian ng upuan dhl ngmamadali akong umupo. sabi ng blockmates ko, "ang sexy mo vika!" wushhuuuu flattered! hehe. sinamahan ako ni gome kumuha ng food. pagkaupo ko ulit, na-spot-tan ko na yung cutie na naka-shades at pink na shirt plus coat. napaisip tuloy ako, "ang ganda naman ng pwesto ko." hahaha! at surprise surprise, kasama pala ako sa 18 candles. pagkabalik ko sabi ni noel, "puro legs ka ah!" huwaahhh! feeling ko tuloy agaw-pansin ng binti ko. nakakahiya. nakaka-conscious. pero proud ako sa binti ko. wahehe! nakita ko nga rin pala sina janis at lenlen dun sadebut ni mara. hihi. ang astig ng party nya.. ^_^ nagpunta pa nga pala kami sa condo nila kath sapagkat bday nya nung october 1. ang galing, magkasunod. tpos hinatid ako nila gome pabalik sa hotel. ang gandang experience ng party. nag-enjoy ako kahit sobrang hassle nung una. hihi.. nga pala, ginagawa ko pa rin yung painting. mejo frustrated ako dahil hindi ko ma-gets ung ibang effects na gusto ko. nababadtrip na ako. wahaha.. pero dapat kalma lang....
.
.
.
.
kalma lang.....
kapag nasira manicure ko, leche...
pa-manicure ulet...
....
syet tlga. di bale na nga. may hinu-hunting pa ko sa friendster. mwahahaha!
blueberry had a little lamb last 10/03/2006 11:17:00 PM