----------------------------
kala mo naman ang dami kong ilalagay na pix di ba. hehe! so about sa araw na 'to. hindi ko alam kung matutuwa ba ako or magagalit kanina. late kasi si Sir Veloso ng 1 1/2 hours, eh exam pa naman namin. I can't really blame him naman 'coz he has his doctor-work thing to attend to, he came from St. Luke's pa. I was supposed to join Jodi and company kanina sa picnic nila. Excited nga ako kasi bumili pa ako ng food and everything pero aun nga, hindi rin ako nakaabot. Pagdating ni Sir, nag-exam na.. karir nga kasi isa ako sa mga huling natapos. Goodluck naman, ang hirap, huhu. Pero, may bonus pa si Sir.. bale mga 30points na pinamigay nya at! Exempted na kami sa Final exam, un nga lang hindi pa rin guaranteed ung 2.5 tlga na grade. kamusta naman yun. Sana lecture na lang icompute, wag na ung lab. huhuhu! mga magse-seven thirty na ako nakarating sa UPD eh tapos may usapan pa kami nila Mommy na magkikita sa SM Megamall ng 6pm. kamusta naman di ba? Kaya nanlulumo ako kanina sa MRT dahil sobrang... neutralized lahat ng nangyari sakin, hindi nag-last yung good and bad effects ng mga nangyari. Oh well.
Graduation na nga pala ni Mao mamaya! yehey! top7 ata xa sa klase. mana sa ate! hehe, libre naman mangarap di ba. =P may gift ako sa kanya. at sa "gf" nya. waha! magkikita rin kami nina Jonica, Roxie, and Choerl. Yehey!!
Onga pala, my new found friends are: James, Daniel, and Rubie. Xempre, una ko nang nakilala ko sina JE, Lenlen, at Janis, thanks to Jodi. Uber fun nila kasama kaya sulit yung mga pagdalaw ko sa UPD. Sana talaga makasama na ako sa picnic nila next time. Then maybe I'll buy Jodi's much-wanted donuts. =P member na nga ako ng FARUGA, Friends of *something something* Goaling for *something*. Sorry naman hindi na-store sa pre-frontal lobe ng cerebrum ko yung information. (aaakkk! nosebleed!)
Okay. Kelngan na i-charge ang mga dapat i-charge, kelngan ko na rin matulog. wooh. Vacation na!! :)