Init. -_-
Sobrang init, lalo tuloy nakakatamad gumalaw. Tama, dapat talaga hindi gumalaw or else magbu-burn ng sugar ang cells, mgkakaroon ng heat.. dagdag init pa. Haha. =P
Eleksyon nga pala ngayon, ehhh... Hindi naman ako registered kaya useless ako ngayong araw na 'to. Hehe. Sorry na, mahaba kasi 'yung pila sa Munisipyo. Eeww noh, I won't make halubilo to the masa. Hehe joke lang! Baka sabihin n'yo ang elitista ko. Bukod sa mahaba at mabagal ang usad ng pila, late ko na rin nalaman na registration pala. Next year na lang. Sana walang masyadong masaktan ngayong eleksyon... Sana mas maging honest. Pero mukhang malabo 'yung mga sinasabi ko. Nakakadismaya 'yung narirnig ko sa tv (dahil nakaharap ako sa computer, 'di ko makita ung screen). Tsk tsk.. Sa mga mananalo na lang, sana nga magkaroon ng pagbabago sa termino nyo.
Wala lang. Boring dito sa bahay! Kanina pa 'ko nag-aayos ng profiles at pages. Nabigyan ko pa ng bagong cursor ang aking pinakamamahal na blog! Hitsugaya-taichouuuuuu.. *heart* *heart* Sobrang in-love ko naman sa anime character na 'to. Pero ka, para sa akin hindi lang basta basta anime ang anime sapagkat isang napakalaking impluwensiya nito sa aking pagkatao. Ayos, noh? Hehe. Seryoso 'yan. Anime ang naging daan sa pagkakadiskubre ko sa aking drawing talent (naks) at anime rin ang dahilan kung bakit over active ang imahinasyon ko. Tapos sa ibang aspeto rin... basta may anime influence. =P
Ang init talaga, sana may halo-halo dito. Huhu.. or ice cream! May pasok na rin pala bukas. Andaming gagawin ngayong linggo waahhh! Konting tiis na lang, bakasyon na ulit!^_^
p.s. Nga pala, naghahanap din ako ng ring designs... magpapakasal na kasi ako! haha..
blueberry had a little lamb last 5/14/2007 04:00:00 PM