pinoy!
Orayt. After answering Friendster surveys, I picked this up from Lue's bulletin post. Kahit dis-oras na ng gabi, sobrang naaliw pa rin ako dito. :D
Mga Linya Mula sa Pinoy Movies na Pwedeng Gamitin Kung...
... narealize mong mas magaling ka sa idol mo
Sharon Cuneta: Nung una hinangaan kita,pero ng makilala kita, sinabi ko sa sarili ko na hindi lang kita papantayan, lalampasan pa kita.
(Bituing Walang Ningning)
... choosy ka at maraming ayaw sa mundo
Maricel Soriano: Ayoko ng masikip. Ayoko ng mabaho. Ayoko ng walang tubig. Ayoko ng walang pagkain. Ayoko ng putik!
(Kaya Kong Abutin ang Langit)
... pasikot-sikot ka magtanong sa mahal/kailangan mo
Claudinne Baretto: Mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako, o kailangan mo ako kaya mahal mo ako?
(Milan)
... matindi kang magmahal, pero medyo cheesy ka
Sharon Cuneta: Ayoko ng first love, kase kung may first, eh di may second, may third... ang gusto ko MY ONLY LOVE."
(My Only Love)
... matindi kang magmahal, pero mejo O.A. ka
Sharon Cuneta: Opo ate, opo ate. Daig ko pa ang manyikang de susi! Nakagapos na nga ang mga paa't kamay ko, pati ba puso ko nakagapos na rin?
(Nakagapos na Puso)
... inaapi ka ng magiging biyenan mo dahil gumagamit ka ng Likas Papaya
Maricel Soriano (to Nida Blanca): Wala sa damit, wala sa kulay ang pagmamahal! Nasa puso, nasa utak!
(Saan Darating ang Umaga)
... may inahas ka ng kapatid mo, pero concerned pa rin cya sa'yo.
Alice Dixon: Ate, mamatay ako pag kinuha mo sa akin si Alex.
Lorna Tolentino: Ipalilibing kita.
(Nagbabagang luha)
... nakilala mo na ang gustong umahas sa boyfriend mo
Vilma Santos: Para kang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain.
(Palimos ng pag-ibig)
... pamsampung asawa ka at skedyul mo na dapat sa asawa mo
Nasan ang asawa ko na asawa mo na asawa ng bayan?
(Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi)
... inaasar ang kapatid mo na mataba pero chubby lang naman
Nora Aunor: My brother is not a pig!
(Minsa'y Isang Gamu-gamo)
... away gusto mo at hindi gulo o eskandalo
Ayoko ng iskandalo dahil cheap yon at cheap ka. Kung gusto mo ng away, tawagan mo lang ako at darating ako umuulan man o umaaraw, may panty man o wala.
(Minsan Lang Kita Iibigin)
... papatulan mo na ang naghahamon sa'yo
Chanda Romero: Hoy babae, hindi pa tayo tapos!
Sharon Cuneta: Kung saan, kailan, at sa paanong paraan. magpasabi ka lang, at hindi kita uurungan.
(Dapat Ka Bang Mahalin)
.. banal banalan ang demonyito mong kaaway
Vilma Santos (to Nora Aunor): Kahit ganito ako, nagsisimba ako kahit papano. At ang sabi ng nasa Itaas, ang sala sa init sala sa lamig, iniluluwa ng langit, isinusuka ng Diyos!
... gusto mong turuan magluto ang kaaway mo
Eddie Garcia: Marami ka pang bigas na kakainin.
FPJ: Di ako kumakain ng bigas. SinasainG ko muna para maging kanin.
... na-insecure ka sa katulong niyo
Maricel Soriano: Ikaw na lang ang maganda, ikaw na lang ang matalino, ikaw ang mahal ni itay. Malandi! Haliparot! Inagaw mo ang lahat sa akin, lahat!
(Inagaw mo ang lahat sa akin)
... gusto mo magpaturo lumipad, kahit mababa lang
Celia Rodriguez: Sino ang babaeng yan na mababa ang lipad?
(Lipad, Darna, Lipad)
... (1) gusto mo malaman kung baog ka o hindi
... (2) naghahanap ka ng sperm donor
Sharon Cuneta: Enteng, kung anakan mo na lang kaya ako?
(Kung Ako Na Lang Sana)
... (1) alam mong nauna talaga ang manok sa itlog
... (2) gutom na gutom ka na at alam mong di ka mabubusog sa scrambled egg o nilagang itlog
Ding (of Darna): Anong gagawin ko dito sa itlog?
Lea Bustamante (Vilma Santos): P@%#$, gawin mong manok!
... may ka-grupo ka na feeling nya ang galing nya
Lorna Tolentino (to Maricel Soriano): Wag ka maka-arte-arteng kung sino ka dahil sampid ka lang dito.
... gusto mong mag "I told you so" pero Pinoy version
Nida Blanca (to Dina Bonnevie): Ginusto mo yan. magdusa ka!
(Magdusa Ka)
blueberry had a little lamb last 8/25/2008 02:04:00 AM