February
Wow, looks familiar. For you Facebook users. Wahaha. OO, yan ang pinagkakaabalahan ko lately.
FACEBOOK.
Kaya medyo nawala rin ako sa sirkulasyon ng Multiply at Friendster.
Medyo hindi na rin nagte-text dahil busy sa pagclick-click-click sa Fashion Wars, Vampire Wars, Mafia Wars, Gang Wars, Lil Green Patch, Lil Blue Cove, City of Evil, Super Poke Pets, My Farm (speaking of, nakalimutan ko mag-harvest ng pananim), Kidnap! Sorority Life, etc.

May barn na 'ko. Yey. Mahirap pag-ipunan yun.
Naging busy rin sa pagbibigay ng Hearts, Drinks, Gemstones, Causes, Plants, GIfts, Smileys, Hugs, at Karma (akalain mo pati si Buddha pwede na ipamigay).
Marami na rin akong foreinjer friends dahil sa mga laro. Ako naman si accept.. Pampadagdag Family, Posse, Crew, Master Mind, Sister, at kung anu ano pa. Kaya i-add mo rin ako.. Malaki ang possibility na nilalaro ko kung ano man ang nilalaro mo. Lalo na sa Fashion Wars! 'Yun talaga eh, I'm living my material girl life there. :D

Alam mo ba na may 9 na 'kong Vegas Hotel?!
At 65 Hummer Limos?! Hahaha!
Nung isang araw napag-isip isip ko na ang dami kng friends na hindi kakilala talaga. Hhmm.. Gusto ko sana gumawa ng isa pang account exclusively for my true-to-life friends. Kaso mahirap mag-maintain ng real account at fan accounts (hahaha!) kaya 'wag na lang. Kanina nabasa ko 'yung blog ni Walp.. At akalain mo ulit na may 1 sa tabi ng pangalan ko out of his Top Ten Multiply Contacts.
Awww.. Ang sweet. na-touch talaga ako dun, pramis. Huhuhu. Sabi nga niya..
MORAL LESSON: out of 238 contacts sa multi, there's at least ten I've grown to appreciateWow. Salamat Walp.
At sa lahat ng friends na palaging anjan. Alam nyo na kung sino kayo. :)
P.S. February na pala! Ang bilis ng time. Last month pala may nag-invite sakin sa groupdate on Valentine's Day. Hhmm.. Ilang taon na ba kong nakikipag-groupdate? Puro girls yata ulit this year kasama. Hahaha.
blueberry had a little lamb last 2/02/2009 03:30:00 PM